FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Ano ang Mutual Benefit Association (MBA)?

Ito ay isang non-stock, non-profit na Samahan na pag-aari at pinamamahalaan ng mga aktibong kasapi ng KCCDFI MBA.
Samahan na ang pangunahing layunin ay magbigay ng Pinansyal na tulong sa miyembro, asawa, mga anak, a mga magulang, sa pamamagitan ng Death Benefits, Accidental Hospitalization, at Loan Redemption Assistance.

Legal ba ito?

Oo, sapagka't tayo ay rehistrado sa Office of the Insurance Commission (IC) at Securities and Exchange Commission (SEC).

Ito ang mga ahensiya ng pamahalaan na sumusubaybay sa mga gawain ng MBAs.

Sino ang maaaring maging kasapi ng KCCDFI MBA?
  • Mula 18 hanggang 60 taong gulang lamang ang tatanggaping bagong miyembro ng KCCDFI MBA.
  • Dapat siya ay isang aktibong miyembro ng KCCDMFI o empleyado ng KCCDMFI o KCCDFI MBA o iba pang organisadong grupo na kinikilala ng KCCDFI MBA.
Sinu-Sino ang sakop ng SEGURO?

Para sa may asawa:

  • Miyembro
  • Legal na asawa
  • Mga tunay na anak o Legal na ampon 2 weeks (14 days) gulang hanggang hindi hihigit sa 21 taong gulang

Para sa Dalaga o Binata na walang asawa:

  • Miyembro
  • Mga legal na magulang 60 taong gulang hanggang 65 taong gulang.

Para sa Dalaga o Binata na may anak:

  • Miyembro
  • Mga tunay na anak (Biological Children)
Mga Hindi Sakop ng SEGURO.
  • Pagpapakamatay (suicide); Sinadyang pagpatay (provoked murder) ng dahil sa benepisyo;
  • Hindi nakabayad ng kaukulang kontribusyon sa KCCDFI MBA matapos ang 45 araw na palugit (grace period);
  • Mga magulang ng kasaping may-asawa o anak na;
  • Mga anak na wala pang 21 taong gulang subalit may legal ng asawa na;
  • Mga legal na anak na 21 taong gulang o mahigit pa;
  • Mga ampon na hindi legal ang pagkakaampon (sahod lampin)
Ano-ano ang mga kailangang document sa pagiging kasapi?

Magsasagawa o magfi-Fill-Up ang aplikante ng KCCDFI MBA Form 1. Kinakailangang maisumite sa loob ng 30 araw o sa paghahain ng aplikasyon sa pagiging kasapi ito ang mga sumusunod na dokumento.

  • Marriage Contract ng miyembrong may asawa or Marriage Contract ng magulang ng miyembrong walang asawa
  • Birth Certificate ng miyembro at ng lahat ng kanyang lehitimong anak at lehitimong asawa.
  • Kung walang Marriage Contract, kailangang magpagawa ng “Affidavit of two Disinterested Persons” na ang isa dito ay ang nagkasal na imam o ang mga saksi sa naganap na kasalan.
  • Kung walang Birth Certificate, puwede ring magsumite ng Baptismal Certificate, kung wala ang mga nabanggit, kailangang magpagawa ng “Affidavit of two Disinterested Persons” na may alam sa kapanganakana ng kasapi o lehitimong kaanak nito.
Magkano ang Kontribusyon?
  • Lingguhang kontribusyon: Php 30.00 para sa Life Insurance.
  • Magbayad ng Membership Fee na Php 100.00 (one-time payment upon enrollment).

Hanggang kailan magbabayad ng kaukulang kontribusyon?

Hangga't aktibong miyembro ng Samahan ng KCCDFI MBA.

Anu-ano ang obligasyon ng isang kasapi?
  • Magbayad ng kaukulang kontribusyon at humikayat ng iba na sumapi sa Samahan.
  • Patuloy na magbigay ng mga suhestyon, kumento at ibang bagay upang higit na mapaganda ang pagpapatakbo ng Samahan.
  • Tangkilikin ang mga produkto ng KCCDFI at KCCDFI MBA.
  • Tumulong sa ikagaganda ng pamamahala ng Samahan.
  • Tumulong at bantayan ang pondo ng Samahan sa balaking abusuhin ng ilang miyembro o taga-pamahala nito.
Magkano ang benepisyo ng isang kasapi?

 

Ang benepisyong makukuha ay naka-depende sa tagal ng pagiging kasapi ayon sa

Table of Benefits

Ano ang aksidente?

Ang aksidente ay isang pangyayari na may mali at hindi inaasahan o sinasadya ang kaganapan (Tagalog Wikipidia). Mga Halimbawa: (a)Banggaan ng magkasalubong /magkasunod na sasakyan o ng mga naglalakad sa magkabilang direksiyon ng daan/Pagkasagasa, (b)Pagkahulog ng tao (di sinasadyang pagbagsak), (c)Pagkadulas, (d)Pagkatusok sa isang matulis o matalas na bagay, (e)Pagkalunod, (f)Tinamaan ng nahulog na bagay o nabagsakan.

Mga Pangyayaring hindi maituturing na aksidente
  • Pagpapakamatay/Suicide
  • Pinatay/ Murder
  • Nilason or Nalason/ Poisoned
  • Anumang klase ng  katampalasanan
  • Kagaya ng namatay dahil lasing o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, napatay dahil sa pagnanakaw, ngsimula o sumali sa kaguluhan at mga kagaya niyo.
  • Habang gumaganap sa kanyang tungkulin tulad ng pulis, security guard,  mga nanunungkulan sa barangay o bayan at kagaya nito.
  • Pagkahulog sa mga sasakyang panlupa o pandagat overloaded man o hindi;
  • Pakikilahok sa mapanganib na sports at libangan
  • Tulad ng pakikilahok sa karerahan ng motor o sasakyan, pakikilahok sa gawaing panlibangan tulad ng Rock Climbing, Zipline at mga kagaya nito.
  • Natural na Kalamidad
  • Hindi maituturing na aksidente ang pagkamatay dahil sa natural na kalamidad gaya ng bagyo, lindol, pagguho ng lupa, tsunami, ipu-ipo, pagputok ng bulkan at mga kagaya nito.
  • Terorismo
  • Pagsabog ng kahit anong uri ng bomba o tinamaan ng ligaw nab ala dahil sa labanan ng military at kaaway ng bayan.
  • Maling pangga-gamot ng doctor
Kailan magsisimula o ganap ang pagiging kasapi?
  • Ang pagiging ganap na kasapi sa KCCDFI MBA ay nagsisimula sa pagbabayad ng unang lingguhang kontribusyon (Php30.00) at ang aplikasyon sa pagiging kasapi ay pinagtibay ng lupon.
  • Kung mapagtibay at maging ganap na ang pagiging kasapi ng isang aplikante, bibigyan siya ng Sertipiko ng Pagiging Kasapi kung saan nakatala ang benepisyo ng isang kasapi at petsa nang magkabisa ito.
Maari bang ilipat ang Sertipiko ng Pagiging Kasapi?

Hindi kailanman pinahihintulutan ng samahan ang paglilipat ng pagmamay-ari ng Sertipiko ng Pagiging Kasapi.

Ano ang Refund of Contribution?

Ang isang kasapi na titiwalag o Magre-regsign sa Samahan ay makakatanggap ng limampung bahagdan (50%) ng lahat ng kanyang naibigay na kontribusyon sa Life Insurance.

Kailan nagtatapos ang pagiging miyembro sa KCCDFI MBA?
  • Pagkamatay (death) o Total Permanenteng Pagkakabaldado (TPD).
  • Pagtiwalag (Resignation).
  • Sa Pagsapit ng Retirement age (Retirement/Exit Age of 65 years old)
  • Hindi pagbayad ng kaukulang kontribusyon sa loob ng 45 days grace period.
  • Pagkakatanggal (Termination) ng may dahilan ng KCCDFI MBA.

OUR 2018 ANNUAL REPORT IS OUT! READ AND BE UPDATED